Sa huling datos ng JJASGH, 122 sa 130 na apektadong medical workers nila ang naka-recover na sa COVID-19.
Pito na lamang ang patuloy pang nagpapagamot sa ngayon.
“We immediately transfer them to a Quarantine Facility. In fact, we did not allow other healthcare workers to report to work anymore – seniors and those with existing medical conditions,” pahayag ni JJASGH Director Dra. Merle Sacdalan-Faustino.
Nagparating din ng pasasalamat ang doktor kina Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan dahil sa suportang ibinibigay sa healthcare frontliners sa anim na district hospitals ng lungsod.
Bawat kawani aniya na nagpositibo sa nakakahawang sakit ay binibigyan ng “ayuda box” kabilang ang limang kilong bigas, canned goods, hygiene kits, ethyl alchohol, gloves at surgical masks.
“We include a small note which says, ‘be back soon.’ Kailangan nila maramdaman na we want them back,” dagdag pa nito.