outbrain

Lola, bata nawawala sa flashflood sa Sultan Kudarat

By Jan Escosio September 16, 2020 - 10:30 PM

Nagresulta sa trahedya ang pagsalubong ng flashflood at mataas na antas ng tubig sa dagat sa Palimbang, Sultan Kudarat noong Martes.

Napaulat na dalawa ang nawawala, isang 61-anyos na lola at isang 12-anyos na babae.

Sinabi ni Mayor Teng Kapinan na hapon nang bumuhos ang napakalakas na ulan hanggang gabi at nagresulta ito ng landslides sa mga barangay ng Langili at Medol.

Aniya, nagkaroon ng flashfloods mula sa kabundukan at sinira nito ang bahagi ng isang tulay sa Barangay Poblacion.

Ilang bahay din sa nabanggit na barangay, partikular na sa Sitio Kampo Muslim, na nasa tabing dagat ang napinsala.

TAGS: Inquirer News, Mayor Teng Kapinan, missing person in Sultan Kudarat, Radyo Inquirer news, Sultan Kudarat flashflood, Inquirer News, Mayor Teng Kapinan, missing person in Sultan Kudarat, Radyo Inquirer news, Sultan Kudarat flashflood

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.