Mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 5,233 na

Nadagdagan pa ng 27 ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (September 16), 5,233 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,404 ang aktibo pang kaso.

62 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 3,813 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 16 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...