NBI itinanggi na tauhan nila ang mga kasama ni Mercado sa Casino

By Den Macaranas March 07, 2016 - 04:57 PM

mercado
Inquirer file photo

Mariing itinanggi ng National Bureau of Investigation (NBI) na mga tauhan nila ang nakitang nagbabantay kay dating Makati City Vice-Mayor Ernesto Mercado habang ito ay nagsusugal ng isang Hotel sa Clark Pampanga.

Sinabi ni NBI Director Virgilio Mendez na nag-text sa kanya si NBI-Central Luzon Director Ricardo Diaz na nagsabing walang kinalaman ang NBI sa pagbibigay ng bodyguards kay Mercado na nakita sa loob ng Casino.

Nauna nang sinabi ni Sen. Nancy Binay na nakita niya at ng kanyang Mister si Mercado sa loob ng isang Casino sa Clark Freeport Zone kasama ang ilang bodyguards.

Sinabi rin ni dating Candaba mayor Jerry Pelayo na binate pa niya ang dating opisyal na nagsabing pabalik na rin siya sa Metro Manila dahil natalo siya sa Casino.

Sina Binay ay nasa Clark noong isang linggo kaugnay sa sortie ng buong team ng United Nationalist Alliance kung saan ay standard bearer nila ni Vice President Jejomar Binay.

Magugunitang si Mercado ay isina-ilalim ng Department of Justice sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) makaraan siyang tumayong testigo laban sa ilang kaso ng katiwalian na kinasasangkutan ng pamilya Binay.

Ang pagkakaroon ng escort of bodyguard na mula sa NBI ay kasama sa mga prebilehiyong ibinibigay sa mga state witness na nasa pangangalaga ng WPP.

TAGS: binay, Clark, DOJ, Ernesto Mercado, NBI, UNA, WPP, binay, Clark, DOJ, Ernesto Mercado, NBI, UNA, WPP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.