Licensure examinations sa Oktubre hanggang Disyembre, kinansela na ng PRC

Kinansela ng Professional Regulation Commission (PRC) ang mga nakatakdang licensure examinations sa buwan ng Oktubre at Disyembre.

Sa inilabas na pahayag, ang hakbang ay dahil sa mga ipinatutupad na extended community quarantines bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso at epekto ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon pa sa PRC, ito ay para matiyak na rin ang kaligtasan ng PRC examinees.

Narito ang mga na kinanselang exams ng PRC:
• Licensure Examination for Architects (October 30 – November 1, 2020)
• Licensure Examination for Midwives (November 8 – 9, 2020)
• Civil Engineers Licensure Examination (November 15 – 16, 2020)
• Aeronautical Engineers Licensure Examination (November 17 – 19, 2020)
• Geologists Licensure Examination (November 17 – 19, 2020)
• Nurses Licensure Examination (November 22 – 23, 2020)
• Criminologists Licensure Examination (November 29 – December 1, 2020)
• Dental Hygienists Licensure Examination – Written (November 24, 2020)
• Dental Hygienists Licensure Examination – Practical (November 25, 2020)
• Dentists Licensure Examination – Written (December 2 – 4, 2020)
• Dentists Licensure Examination – Practical (December 15 – 22, 2020)
• Dental Technologists Licensure Examination – Written (December 7, 2020)
• Dental Technologists Licensure Examination – Practical (December 8 – 9, 2020)
• Licensure Examination for Radiologic Technologists and X-ray Technologists (December 10 – 11, 2020)
• Licensure Examination for Pharmacists (December 13 – 14, 2020)

Sa taong 2021 na irere-schedule ang mga nakanselang exam.

Sinabi pa ng PRC na antabayan ang kanilang mga susunod na anunsiyo kung kailangan ang magiging schedule ng mga apektadong licensure examinations sa kanilang website at social media accounts.

Maaari ring mag-email sa licensure.office@prc.gov.ph at licensure.division@prc.gov.ph.

Read more...