outbrain

Magnitude 4.2 na lindol, naramdaman sa Davao Occidental

By Angellic Jordan September 16, 2020 - 09:01 PM

Muling nakaramdam ng pagyanig ang Sarangani, Davao Occidental sa araw ng Miyerkules.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa 208 kilometers Southeast ng naturang bayan.

Naramdaman ang pagyanig bandang 8:06 ng gabi.

8 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Ayon sa Phivolcs, hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol sa Sarangani at mga karatig-bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

TAGS: Davao Occidental, Inquirer News, magnitude 4.2 quake, phivolcs, Radyo Inquirer news, Sarangani, Davao Occidental, Inquirer News, magnitude 4.2 quake, phivolcs, Radyo Inquirer news, Sarangani

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.