outbrain

Bilang ng train sets na tumatakbo sa MRT-3, umabot na sa 21

By Angellic Jordan September 16, 2020 - 08:25 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng train sets na tumatakbo sa linya ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nakakapag-operate na sila ng 21 train sets.

Naisagawa ito sa araw ng Miyerkules, September 16.

Kabilang sa na-operate sa linya ng MRT-3 ang 18 CKD train sets at tatlong Dalian train sets.

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang deployment ng train sets ay makakatulong para mabawasan ang waiting interval sa pagitan ng mga tren.

Maliban dito, inaasahang tataasan din ang passenger capacity ng MRT-3.

TAGS: CKD train sets, Dalian train sets, dotr, Inquirer News, MRT-3 train sets, Radyo Inquirer news, CKD train sets, Dalian train sets, dotr, Inquirer News, MRT-3 train sets, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.