Sa ganitong paraan, ayon sa senador, matutulungan ang industriya ng niyog at maging ang mga magsasaka.
“Sakaling mapatunayan ang bisa ng VCO bilang lunas sa COVID-19, malaki ang maitutulong nito ‘di lamang sa mga maysakit ng COVID, kundi pati na rin sa mga magniniyog na hanggang sa ngayon ay pinakamahirap sa lahat,” aniya.
Noong Abril, kinilala ng World Bank ang Pilipinas bilang nangungunang bansa na napapagkunan ng langis ng niyog kasunod ng Indonesia, India, Vietnam at Mexico.
Samantala, noong 2018, nakapag-produce sa bansa ng 18,405.19 metriko tonelada ng VCO na nagkakahaaga ng P63.92 milyon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Puna lang ni Pangilinan, sa kabila din na tatlong produkto na mula sa niyog ang Top 10 agrcultural exports, nanatiling pinakamahirap sa bansa ang mga magsasaka ng niyog.