outbrain

Sen. Pangilinan: Coco levy fund, gamitin sa paggawa ng virgin coconut oil

By Jan Escosio September 16, 2020 - 07:36 PM

Inihirit ni Senator Francis Pangilinan na magamit ang bahagi ng P105-billion coco levy fund sa paggawa ng virgin coconut oil (VCO) dahil sa pag-aaral na maaari itong lunas sa COVID-19.

Sa ganitong paraan, ayon sa senador, matutulungan ang industriya ng niyog at maging ang mga magsasaka.

“Sakaling mapatunayan ang bisa ng VCO bilang lunas sa COVID-19, malaki ang maitutulong nito ‘di lamang sa mga maysakit ng COVID, kundi pati na rin sa mga magniniyog na hanggang sa ngayon ay pinakamahirap sa lahat,” aniya.

Noong Abril, kinilala ng World Bank ang Pilipinas bilang nangungunang bansa na napapagkunan ng langis ng niyog kasunod ng Indonesia, India, Vietnam at Mexico.

Samantala, noong 2018, nakapag-produce sa bansa ng 18,405.19 metriko tonelada ng VCO na nagkakahaaga ng P63.92 milyon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Puna lang ni Pangilinan, sa kabila din na tatlong produkto na mula sa niyog ang Top 10 agrcultural exports, nanatiling pinakamahirap sa bansa ang mga magsasaka ng niyog.

TAGS: coco levy fund, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Francis Pangilinan, VCO production, virgin coconut oil, coco levy fund, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sen. Francis Pangilinan, VCO production, virgin coconut oil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.