Malaking bahagi ng pondo ng CHED sa 2021, mapupunta sa Universal Access to Quality Tertiary Education
Prayoridad ng Commission on Higher Education na susunod na taon ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA).
Sa pagdinig ng Kamara sa panukalang P50.9-billion 2021 budget ng CHED, sinabi ni Chairman Prospero de Vera na P44.2 billion ang kanilang inilalaan para sa UAQTEA.
Paliwanag ng opisyal, ito ay dahil sa inaasahan nilang tataas pa ang bilang ng mga estudyanteng mag-avail nito sa susunod na taon.
Mas mataas ito ng 13.49 percent kung ikukumpara sa P38.9 bilyong alokasyon sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act.
Sinabi ni De Vera na noong 2019, 1.33 milyong estudyante ang libreng nakakapag-aral sa mga state universities and colleges (SUCs) at mga local universities and colleges (LUCs) dahil sa UAQTEA.
Bukod dito, 557,000 naman ang bilang ng mga nabigyan ng ayuda sa ilalim ng Tertiary Education Subsidy (TES), na karamihan ay pawang nag-aaral sa pribadong higher education institutions.
Mas mataas ng 6.39 porsyento kumpara sa P47.906 bilyon sa taong 2020 ang panukalang pondo ng CHED sa susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.