Publiko pinakakalma ng Malacañang sa ulat na may nahawaan ng Zika virus sa bansa

By Alvin Barcelona March 07, 2016 - 04:29 PM

zika virus2
Inquirer file photo

Pinayuhan ng Malacañang ang publiko na manatiling updated, alerto pero mahinahon sa harap ng banta ng Zika virus sa bansa.

Kasunod ito ng pagkumpirma ng Department of Health sa isang turistang amerikano na bumisita sa bansa noong Enero na nagkaroon ng nahawaan ng Zika virus.

Kaugnay nito, tiniyak ni Communications Sec. Sonny Coloma na handa naman ang DOH na tukuyin, i-isolate at gamutin sinumang mahahawaan ng nasabing karamdaman.

Sa ngayon aniya, iginigiit ni Health Sec. Janet Garin na nag-iisa lamang ang nasabing kaso at walang epidemya o outbreak ng Zika sa bansa.

Noong isang buwan ay naglabaw ng wordwide alert ang World Health Organization (WHO) kaugnay sa pagkalat ng Zika sa ilang bansa sa South America at Europe.

TAGS: American, Malacañang, WHO, Zika, American, Malacañang, WHO, Zika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.