#LeonPH, patuloy na kumikilos sa western boundary ng PAR
Patuloy na kumikilos ang Tropical Depression Leon sa western boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, huling namataan ang bagyo sa layong 405 kilometers Kanluran Hilagang-Kanluran ng Coron, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour.
Sinabi ni Perez na malayo na sa kalupaan ng bansa ang bagyo at wala namang direktang epekto sa anumang parte ng bansa.
Ngunit, patuloy na pinalalakas ng bagyo ang Southwest Monsoon o Habagat na nagdudulot ng kaulapan, pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa maraming lugar sa bansa.
Ani Perez, asahan pa rin ang mahina hanggang sa malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Central at Southern Luzon, at maging sa buong Visayas at Mindanao.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa teritoryo ng bansa, Huwebes ng umaga (September 17).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.