16 pang Filipino abroad, tinamaan ng COVID-19
Nasa 16 ang napaulat na bagong nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 16, umakyat na sa 10,339 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 77 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,985 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
13 naman ang bagong gumaling kung kaya 6,581 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, wala namang napaulat na nasawing overseas Filipino.
Dahil dito, 773 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,027 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,173 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 807 naman ang kaso sa Americas at 1,332 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.