Herrera, nanindigang hindi pangalanan ang kaniyang sources

July 07, 2015 - 01:18 PM

June 16, 2015 The reporter who broke the story on the alleged P440-million bribe for lawmakers to pass the proposed Bangsamoro Basic Law (BBL)  Christine Herrera was in tears after she was almost cited with contempt before the House of Representatives on Tuesday. INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ
Inquirer file photo

Nanindigan ang broadsheet reporter na si Christine Herrera na huwag isapubliko ang kanyang “sources” sa kanyang report na nagkaroon ng suhulan para bomotong pabor sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, muling inurirat ng mga kongresista si Herrera hinggil sa expose nito na kinikilan umano ng Bureau of Immigration officials ang Chinese Gambling Lord na si Wang Bo ng malaking halaga ng pera kapalit ng hindi pagsasakatuparan ng deportation nito pabalik sa China.

Ang salapi ay napunta raw sa Liberal Party, na nanuhol naman daw sa mga mambabatas para paburan ang BBL.

Sa report ni Herrera, ang saku-sakong pera raw mula kay Wang Bo ang dinala sa Speakers office sa kamara sa pagitan ng May 25 hanggang 27.

Hindi naman binanggit ni Herrera kung magkano ang halaga, pero sinabi raw ng kanyang mga “sources” na “barya barya” lamang daw ito.

Sinabi pa ni Herrera na sampung kongresista ang kanyang natanong sa isyu at lima rito ang umamin, habang ang lima ay nagsabing hindi raw sila nalapitan para masuhulan.

Gayunman, tumangging ibulgar ni Herrera ang kanyang sources, at igniit ang nakasaad sa Sotto Law ang kanyang karapatan para protektahan ang identities ng kanyang sources.

Katwiran pa ni Herrera, kapag ipinilit ng mga kongresista na pigain siya para lamang mailantad ang sources ng kanyang balita, may chilling effect ito sa press freedom.

Kinalaunan nama’y binawi na ni Dasmarinas City Rep. Elpidio Barzaga ang kanyang mosyon na patawan ng contempt si Herrera./Isa Avendaño-Umali

TAGS: Christine Herrera, Radyo Inquirer, Wang bo, Christine Herrera, Radyo Inquirer, Wang bo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.