Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (September 16), umabot na sa 272,934 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 60,344 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,550 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
87.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.4 porsyento ang asymptomatic; 1.2 porsyento ang severe habang 2.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 69 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 4,732 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 524 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 207,858 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.