outbrain

Overall progress rate ng LRT-2 East Extension Project, nasa 92 porsyento na – DOTr

By Angellic Jordan September 16, 2020 - 03:35 PM
Photo grab from DOTr Facebook video

Tuluy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) East Extension Project.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), 92.14 porsyento na ang overall progress rate ng naturang proyekto.

Inaasahang magiging fully operational ito sa buwan ng Abril taong 2021.

Kasama sa 3.8-kilometer railway extension project ang pagtatayo ng dalawang bagong istasyon; Emerald station sa Marikina, at Masinag station sa Antipolo, Rizal.

Oras na matapos ang proyekto, mula mula sa tatlong oras na biyahe sa pamamagitan ng bus o jeep, inaasahang magiging 40 minuto na lamang ang biyahe mula Masinag, Antipolo hanggang Recto, Maynila.

TAGS: dotr, DOTr project, Emerald station, Inquirer News, LRT-2 East Extension Project, Masinag station, Radyo Inquirer news, dotr, DOTr project, Emerald station, Inquirer News, LRT-2 East Extension Project, Masinag station, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.