Tropical Storm Leon bahagyang bumilis habang nasa PH Sea

By Dona Dominguez-Cargullo September 16, 2020 - 12:03 PM

Bumilis pa ang kilos ng Tropical Storm Leon nangayon ay nasa karagatan ng bansa.

Ang bagyo ay huling namataa ng PAGASA sa layong 330 kilometers west northwest ng Coron, Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawar oras sa direksyong west northwest.

Ayon sa PAGASA magpapatuloy ang kilos at direksyon ng bagyo at bukas ng umaga ay inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa Biyernes ng hapon o gabi ay tatama ito sa kalupaan ng central Vietnam.

Walang nakataas na tropical cyclone warning signal saanmang bahagi ng bansa.

Gayunman, ang bagyo at ang habagat ay maghahatid katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Aurora, Palawan (including Calamian, Cuyo, and Kalayaan Islands), Mindoro Provinces, at Western Visayas.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa eastern Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Mindanao, at sa nalalabing bahagi ng Central Luzon, MIMAROPA, at Visayas.

 

 

TAGS: Inquirer News, LeonPH, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, LeonPH, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.