Pagtatayo ng Economic Zone sa itatayong Bulacan Airport City pasado na sa Kamara

By Erwin Aguilon September 16, 2020 - 11:42 AM

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala upang bumuo ng Special Economic Zone and Freeport Zone sa Bulacan Airport City o New Manila International Airport (NMIA) ng San Miguel Corp.’s (SMC).

Sa botong 205 na YES, 6 na NO at 1 ABSTAIN, nakalusot ang House Bill 7575 na layong magtatag ng Bulacan Airport City Special Ecnomic Zone and Freeport Authority na siyang mamahala sa operasyon ng Bulacan Ecozone.

Nakasaad sa panukala na ang mga negosyo sa loob ng Bulacan Ecozone ay entitled sa mga insentibo na ibinibigay ng Omnibus Investments Code of 1987 at iba pang fiscal incentives na itinatakda ng batas.

Ang Bulacan Ecozone ay lalagyan ng mga pasilidad para sa transportasyon, telecommunications at iba pa.

Paliwanag ni Committee on Economic Affairs Chairperson Sharon Garin, inaasahan na ito ay magreresulta sa economic growth kung saan makakahikayat ito ng mga mamumuhunan gayundin ay makapagbigay ng hanapbuhay sa mga residente ng Bulacan at mga kalapit na lugar.

Matatandaan na inihiwalay ni Ways and Means Chairman Joey Salceda ang panukala sa pagbibigay ng franchise sa itatayong Bulacan Airport at sa Bulacan Ecozone upang makita ang magiging papel nito para sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

 

 

TAGS: Bulacan airport, SMC, Special Economic Zone and Freeport Zone, Bulacan airport, SMC, Special Economic Zone and Freeport Zone

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.