MRT-3 nagdagdag ng bicycle racks sa mga istasyon ng tren

By Dona Dominguez-Cargullo September 16, 2020 - 10:51 AM

Mas maraming bicycle racks na ang magagamit ng mga biker na sumasakay ng tren matapos makapaglagay ang Department of Transportation (DOTr) Road Sector ng kabuuang 37 bicycle racks sa mga istasyon ng MRT-3.

Ito ay bilang pagsuporta sa ligtas na pagbiyahe ng mga pasahero sa pamamagitan ng pagbibisikleta.

Nakapaglatag na ng tig-isang bicycle racks sa mga istasyon ng Ayala at Taft Avenue.

Mayroon ding tatlong bike racks sa GMA-Kamuning station at apat sa Buendia station.

May anim na bike racks naman na magagamit ng mga pasahero sa North Avenue station at tatlo naman sa Quezon Avenue.

Magagamit na rin ang tig-apat ng bike racks sa mga istasyon ng Santolan, Shaw Boulevard at Boni.

Habang may nakalagay ring tatlong bicycle racks sa Cubao station at tig-dalawa sa Ortigas station at Guadalupe station.

 

 

 

 

TAGS: bicycle racks, biker, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, bicycle racks, biker, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, MRT 3, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.