Global death toll sa COVID-19 mahigit 939,140 na

Sumampa na sa 939,140 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, sumampa na sa 200,000 ang bilang ng mga nasawi sa US.

Sumampa naman na sa mahigit 133,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 82,000 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 71,000.

Umabot naman na sa mahigit 21.5 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 7.2 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 200,197
Brazil – 133,207
India – 82,091
Mexico – 71,678
UK – 41,664
Italy – 35,633
France – 30,999
Peru – 30,927
Spain – 30,004
Iran – 23,453

 

 

Read more...