Suspensyon sa pag-uwi ng LSIs sa mga lalawigan sa Western Visayas binawi na ng IATF
Binawi na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ban sa pagpapauwi sa mga locally stranded individuals sa Western Visayas.
Ayon sa IATF Resolution #71, maari na muling makabiyahe ang mga LSI pauwi ng Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Antique at Iloilo City.
“The temporary suspension of inbound travel of returning residents in the provinces of Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, and Antique, including Iloilo City, in Region VI is hereby lifted,” batay sa resolusyon.
Kamakailan ay sinuspinde ng IATF ang inbound travel ng LSIs sa mga lalawigan sa Western Visayas, Iligan City at Lanao del Sur.
Ang Iligan City at Lanao del Sur ay nakasailalim sa mas mahigpit na lockdown o modified enhanced community quarantine hanggang September 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.