PNP Chief iaanunsyo na ang bagong hepe ng Directoral Staff

July 27, 2015 PNP Director Ricardo Marquez inspects the security around Batasan during President Benigno aquino's last State of the Nation Address. INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ
INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ

Tatlong Police Director (2-Star General) ang pinagpipiliiang kandidato bilang papalit na pinuno ng Directorial Staff ng Philippine National Police (PNP).

Kasunod ito ng pagreretiro noong isang linggo ni Deputy Dir. Gen. Marcelo Garbo kasabay na rin ng pagsapit ng kanyang ika-56 na taong kaarawan.

Ayon kay PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez, otomatikong aakyat si Deputy Dir. Gen. Frank Uyami na ookupa naman bilang Deputy Chief for Operations.

Ang posisyon aniya ng the Chief of the Directorial Staff ang kailangang punan ng sinuman sa tatlong kandidatong 2-Star General na ayaw namang banggitin ni Marquez kung sinu-sino.

Ilan sa mga kilalang opisyal na may ranggong Police Director ay sina National Capital Regional Police Office Chief PDir Joel Pagdilao, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Dir. Victor Deona, at Directorate for Investigation and Detective Management Chief Dir Benjamin Magalong.

Sa mga susunod na buwan ay marami pang mga opisyal ng PNP ang magreretiro dahil sa kanilang mandatory retirement age.

Read more...