outbrain

Global cases ng COVID-19 mahigit 29.7 million na

By Dona Dominguez-Cargullo September 16, 2020 - 09:11 AM

Umabot na sa mahigit 29.7 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules (Sept. 16) ay 29,715,503 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 276,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 36,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 91,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.

Ang Brazil ay nakapatala ng dagdag na 34,700 na mga kaso.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 6,787,737
India – 5,018,034
Brazil – 4,384,299
Russia – 1,073,849
Peru – 738,020
Colombia – 728,590
Mexico – 671,716
South Africa – 651,521
Spain – 603,167
Argentina – 577,338

\

TAGS: covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, global cases, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, global cases, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.