Red rainfall warning nakataas pa rin sa bahagi ng Palawan at Cebu
Nakararanas pa rin ng malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan sa maraming mga lugar sa Palawan at sa Visayas.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 8:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Sept. 16, Red warning level na ang nakataas sa Kalayaan Islands sa Palawan at sa Central Cebu.
Orange warning level naman ang nakataas sa Leyte, Southern Leyte, Negros Oriental, southern portion ng Negros Occidental, nalalabing bahagi ng Palawan at sa Occidental Mindoro.
Yellow warning level naman ang umiiral sa Bohol at sa Biliran.
Ang pag-ulan ay dulot ng Habagat at Tropical Storm Leon.
Pinag-iingat ng PAGASA ang publiko sa posibleng flashflood at landslides na maaring maidulot ng patuloy na pag-ulan na nararanasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.