Mahigit 1,000 pang Overseas Filipinos dumating sa bansa kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo September 16, 2020 - 05:58 AM

Mayroong mahigit 1,100 na Overseas Filipinos ang nakauwi sa bansa kahapon, Sept. 15.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), lulan ng special repatriation flight EY424 ang 278 na mga Pinoy na umuwi sa bansa galing ng Abu Dhabi.

Lulan din ng nasabing flight ang mga distressed Filipinos mula sa UAE at Spain.

Samantala, mayroon ding 150 Overseas Filipinos na galing Los Angeles ang dumating sa NAIA.

Kahapon din ay nakauwi sa bansa ang mahigit 500 Pinoy na galing ng Saudi Arabia lulan ng 2 special repatriation flights PR683 at SV862.

Habang mayroon pang 250 na Pinoy na umuwi sa bansa galing Qatar.

Lahat ng bagong dating na OFs ay isinailalim sa swab test at dinala sa quarantine facility.

Sa sandaling magnegatibo ay pauuwiin din sila sa kanilang pamilya.

 

 

 

TAGS: Abu Dhabi, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Qatar, Radyo Inquirer, saudi arabia, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, UAE, Abu Dhabi, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Qatar, Radyo Inquirer, saudi arabia, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, UAE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.