Ngayong umaga, lumakas pa ang bagyo at umabot na sa tropical storm category.
Ayon sa PAGASA, ang tropical storm “Leon” ay huling namataan sa layong 225 kilometers West Northwest ng Coron, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Ayon sa PAGASA inaasahang sa loob ng susunod na 2 araw ay lalakas pa ang bagyo at aabot sa typhoon category.
Pero bukas ng umaga ay inaasahang lalabas naman na ito ng Philippine Area of Responsibility.
Dahil sa bagyong Leon at sa Habagat, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ngayong araw sa Aurora, Rizal, Palawan (kabilang ang Kalayaan, Calamian, at Cuyo Islands), Mindoro Provinces, Romblon, Western Visayas, at Negros Oriental.
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Bicol Region, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Metro Manila, Isabela, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Visayas.