Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 31,614

By Mary Rose Cabrales September 16, 2020 - 05:27 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Martes (September 15, 3:00 PM) nakapagtala ng 730 na bagong kaso kaya pumalo na sa 31,614 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 8,957
Laguna – 10,044
Batangas – 5,230
Rizal – 5,901
Quezon – 1,482

Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 15,963.

Nasa 14,881 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 186 na bagong recovery.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 4,806
Laguna – 5,279
Batangas – 2,484
Rizal – 1,632
Quezon – 680

Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 20 kaya umabot na sa 770 ang bilang.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 198
Laguna – 198
Batangas – 121
Rizal – 204
Quezon – 49

Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:

1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay

 

 

 

 

TAGS: Calabarzon COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Calabarzon COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.