Bilang ng COVID-19 recoveries sa Laguna nasa 7,112 na

Tumaas pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 recoveries sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Martes, September 15, 3PM), 7,112 ang naitalang bilang ng mga nakarecover o gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nanatili sa 191.

Ang bilang naman ng active cases ay nasa 2,947.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 10,250.

Samantala, nasa 5,646 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

 

 

 

Read more...