outbrain

Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa Navotas, nadagdagan pa

By Mary Rose Cabrales September 15, 2020 - 11:40 PM

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (6:00 ng gabi ng Martes, September 15), nasa 4,227 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 11 ang nadagdag.

Wala namang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay nanatili sa 132.

Ang bilang naman ng active cases ay 336 kung saan anim ang nadagdag.

Sa kabuuan umabot na sa 4,695 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Navotas, COVID-19 deaths in Navotas, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Navotas, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Navotas, COVID-19 deaths in Navotas, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Navotas, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.