COVID-19 cases sa Western Visayas, halos 8,000 na
Nagpositibo ang 216 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang September 15, umakyat na sa 7,955 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,423 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 68.07 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
137 naman ang gumaling pa kaya 4,404 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umabot naman sa 124 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.