Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.5 at 3.8 na lindol

Dalawang may kalakasang pagyanig ang naitala sa lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.5 na pagyanig sa 226 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-9:56 gabi ng Martes (September 15) at may lalim na 45 kilometers.

Magnitude 3.8 naman na pagyanig ang sumunod na naitala sa 275 kilometers southeast ng bayan pa rin ng Sarangani, alas-10:30 ng gabi at may lalim na 1 kilometer.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...