Bilang ng mga nakapag-enroll para sa SY 2020-2021, higit 24.45 milyon na
Mahigit 24.45 milyon na ang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll sa bansa para sa School Year 2020-2021.
Ito ay base sa inilabas na datos ng
Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Martes ng umaga (September 15).
Ayon sa DepEd, tinatayang 24,456,766 na ang bilang ng enrollees sa bansa.
Katumbas ito ng 88.06 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.
Sa nasabing bilang, 22,321,903 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,082,101 milyon naman ang nasa private schools.
Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,768,916.
Umabot naman sa 7,713,619 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,797,884 sa Senior High School.
Nasa 1,728,986 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 382,582 sa Alternative Learning System.
64,779 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.