Pagababawas ng DepEd sa self-learning modules ng mga estudyante, ikinadismaya sa Kamara

Hindi nagustuhan ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang ginawang pagbabawas ng Department of Education (DepEd) sa kanilang learning competencies partikular sa self-learning modules (SLMs) na ipapamahagi sa mga estudyante sa ilalim ng blended learning.

Sa pagdinig ng Kamara sa panukalang 2021 budget ng DepEd, sinabi ni Undersecretary Diosdado San Antonio na magpo-produce lamang sila ng 59 porsyentong SLMs para sa kalahati ng kabuuhang bilang ng enrollees sa taong 2020.

Sabi ni Marcoleta, hindi ito kakasya para sa mahigit 24 milyong estudyanteng naka-enroll ngayong pasukan.

Nangangamba din ang kongresista na ang paghahati o sharing ng modules ay lalo lamang delikado para sa mga mag-aaral.

Pinuna din nito ang P9 bilyong computerization program ng DepEd dahil ilang taon na ring naglalaan ang Kongreso para sa computerization program ng ahensya na dapat sana ay napapakinabangan ng mga guro at estudyante ngayon.

Read more...