Portable hand-washing stations, ipinatayo ni Sen. Villar
Nagpalagay si Senator Cynthia Villar ng mga portable hand-washing station sa mga matataong lugar sa Las Piñas City.
Pinili ang mga palengke at tricycle terminals, bukod pa sa mga matataong komunidad, para lagyan ng paunang 50 hugasan ng kamay.
Ito ay gawa mula sa stainless at bakal bukod pa sa may liquid soap dispenser.
Ang tubig ay magmumula sa linya ng barangay at ang sabon naman ay sagot ng barangay.
“We installed these portable stations to make sure that people who frequent crowded areas have a way to wash their hands whenever the need arises. We cannot overemphasize the fact that handwashing is the most effective way to slow down the spread of diseases, such as COVID-19,” sabi ng senadora.
Magdaragdag pa ng 10 portable hand-washing stations, na proyekto din ni Rep. Camille Villar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.