Ipinagdiinan niya na dapat ang mga tunay na mahihirap at iba pang nangangailangan ng ayuda ang makikinabang sa pondo.
Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan 2 o Republic Act 11494 noong nakaraang Biyernes.
“Uulitin ko po ang lagi kong pinapaalala sa ating mga executive agencies: Siguraduhin natin na magagamit ang pera ng bayan ng tama, siguraduhin natin na makakarating ang tulong sa pinaka-nangangailangan at pinaka-apektado nating mga kababayan. At siguraduhin natin na walang pinipiling oras ang ating pagtulong at pagserbisyo sa bayan,” paalala ng senador.
Nakasaad sa batas ang COVID-19 recovery fund na P165.5 billion at P140 billion ang inilaaan para sa regular appropriation at P25.5 billion naman ang standby fund.
Gagamitin aniya ang pera sa pagpapabuti ng healthcare system, pagpapatupad ng cash-for-work program, tulong sa mga naapektuhang industriya at pagbili ng bakuna laban sa nakakamatay na sakit.
“Huwag po nating hayaan na magamit ang pondong ito sa korapsyon. Bilang senador, sisiguraduhin ko na mananagot ang sinumang gagamit sa perang ito sa hindi tamang paraan,” pangako nito.