outbrain

24-hour operations ng GrabFood, magbabalik na sa Metro Manila

By Angellic Jordan September 15, 2020 - 05:00 PM

Inanunsiyo ng Grab na magbabalik na ang 24 oras na operasyon ng kanilang GrabFood.

Ayon sa ride-hailing company, magsisimula ang 24-hour operations sa Metro Manila sa araw ng Miyerkules, September 16.

“As we update our service hours for GrabFood, we remain committed to continuously provide access to daily essentials to our kababayans staying at home, while supporting the many driver-partners and partner stores on our platform,” pahayag ng Grab.

Tiniyak naman nito na susunod ang GrabFood sa mga ipinatutupad na curfew policies ng mga lokal na pamahalaan.

Hindi rin anila magpapadala ang GrabFood ng mga nakalalasing na inumin tuwing curfew hours.

TAGS: BUsiness, COVID-19 pandemic, curfew policies, Grab, GrabFood, GrabFood 24-hour operations, Inquirer News, Radyo Inquirer news, BUsiness, COVID-19 pandemic, curfew policies, Grab, GrabFood, GrabFood 24-hour operations, Inquirer News, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.