Umabot na sa kabuuang 13,857,039 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.
Ito ay batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development hanggang 8:00, Lunes ng gabi (September 14).
Dahil dito, aabot na sa P82.7 bilyon ang nailabas ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP.
Sinabi pa ng kagawaran na tuloy pa rin ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga “waitlisted” o karagdagang mga pamilya.
MOST READ
LATEST STORIES