Ilang bahagi ng Central Luzon, patuloy na uulanin
Makararanas pa rin ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa bahagi ng Central Luzon.
Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod ng umiiral na low pressure area (LPA).
Sinabi ng weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan at Pampanga.
Samantala, uulanin din ang ilang parte ng Calabarzon.
Batay sa thunderstorm advisory dakong 1:55 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Cavite, Laguna at Batangas.
Maaapektuhan din nito ang Tagkawayan, Quezon.
Ayon sa weather bureau, mararanasan ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.