Mindanao Railway Project tuloy sa sususnod na taon – DOTr

Siniguro ng Department of Transportation (DOTr) na tuloy pa rin ang Mindanao Railway Project sa susunod na taon.

Sa pagdinig ng Kamara para sa panukalang 2021 budget ng DOTR, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na matutuloy ang pagtatayo ng P82.9 bilyong first phase ng Mindanao Railway Project.

Nasa proseso pa lamang naman ng procurement para sa management consultant ang ahensya sabi ni Assistant Secretary for Project Implementation-Mindanao Cluster Eymard Eje.

Paliwanag nito, nagkaroon lamang ng delay sa proyekto dahil hinintay pa nila mula sa Chinese company ang shortlist ng bidders para sa contractor ng nasabing proyekto.

Nilinaw naman ng opisyal na nagkaroon lamang din ng delay sa pag-usad ng proyekto at pagsusumite ng shortlist ng bidders mula China papunta ng Pilipinas bunsod na rin ng COVID-19 pandemic.

Wala pa rin naman aniyang napipiling contractor sa proyekto kaya walang katotohanan na nagpapalit-palit sila ng contractor kaya nabibinbin ang proyekto.

Read more...