Mga internet service provider binalaan ni Rep. Taduran sa palpak na serbisyo

By Erwin Aguilon September 15, 2020 - 12:17 PM

Photo from Congress website

Binalaan ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Niña Taduran ang mga Internet Service Provider kaugnay sa pagtaas ng reklamo ng publiko sa pangit na serbisyo ng mga ito.

Ayon kay Taduran, ang kabiguan ng mga internet provider na maibigay sa kanilang mga customer ang tamang serbisyo ay maihahalintulad sa pandaraya at maling patalastas.

“Connectivity is particularly important at this time when most of the transactions we used to carry out face to face are now done on the internet, like online classes, work, meetings and tutorials,” ani Taduran.

Tumaas anya ang internet subscription ngayon dahil sa nararanasang covid-19 pandemic sapagkat marami ang naka work-from-home bukod pa ang online learning.

Sinamantala anya ito ng mga internet service providers dahil tumanggap sila ng maraming subscribers na hindi naman kaya ng kanilang networks.

Sabi ni Taduran, “It’s not surprising that new internet subscriptions have increased in the past months due to the necessity of being online. It is lamentable that internet service providers seem to have capitalized on the situation by taking on more subscribers than their networks can handle. The situation is quite obvious, otherwise we won’t be seeing so many complaints from exasperated subscribers, paying high subscription fees but getting lousy service.”

Ang Pilipinas anya ang may pinakamabilis na lumalaking populasyon ng gumagamit ng internet pero ito rin ang may pinakamalalang serbisyo sa internet.

Kaugnay nito, nanawagan mambabatas sa National Telecommunications Commission (NTC) at sa mga Kagawaran ng Information and Communications Technology atTrade and Industry na aksyunan ang napakalaking kakulangang ito ng mga ISP sa pagbibigay ng disenteng serbisyo.

 

 

 

TAGS: ACT-CIS, Inquirer News, Internet Service Provider, News in the Philippines, Nina Taduran, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ACT-CIS, Inquirer News, Internet Service Provider, News in the Philippines, Nina Taduran, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.