Puna ito ni Sen. Francis Tolentino at aniya tila nasasapawan na ang mismong batas dahil sa bara-barang paggawa ng IRR.
Diin ng senador hindi naman maaring mangibabaw ang IRR sa mismong batas at aniya may ilan IRR ang pinawalang bisa ng Korte Suprema dahil kontra ito sa tunay na layon ng batas.
Bunga nito, hindi napapakinabangan ng mamamayan ang mga benepisyo na kaakibat ng batas dahil nag-iiba na ang kahulugan nito dahil sa IRR.
At para aniya maiwasan ito, nais ni Tolentino na malimitahan ang partisipasyon ng kinauukulang ahensiya sa pagbuo ng IRR nang hindi nalalabag ang tinatawag na ‘separation of powers’ ng Ehekutibo at Lehislatura.
Suhestiyon pa nito, kung maari ay maisama ang mga mambabatas na nagtulak sa batas sa Kongreso sa pagbalangkas para hindi maligaw ang IRR.