IRR ng mga batas na gawa ng kongreso sumasapaw – Sen. Tolentino

By Jan Escosio September 15, 2020 - 11:47 AM

Nawawala ang tunay na layon ng ilang batas dahil sa mga maling Implementing Rules and Regulations o IRR na ginagawa ng ilang ahensiya.

Puna ito ni Sen. Francis Tolentino at aniya tila nasasapawan na ang mismong batas dahil sa bara-barang paggawa ng IRR.

Diin ng senador hindi naman maaring mangibabaw ang IRR sa mismong batas at aniya may ilan IRR ang pinawalang bisa ng Korte Suprema dahil kontra ito sa tunay na layon ng batas.

Bunga nito, hindi napapakinabangan ng mamamayan ang mga benepisyo na kaakibat ng batas dahil nag-iiba na ang kahulugan nito dahil sa IRR.

At para aniya maiwasan ito, nais ni Tolentino na malimitahan ang partisipasyon ng kinauukulang ahensiya sa pagbuo ng IRR nang hindi nalalabag ang tinatawag na ‘separation of powers’ ng Ehekutibo at Lehislatura.

Suhestiyon pa nito, kung maari ay maisama ang mga mambabatas na nagtulak sa batas sa Kongreso sa pagbalangkas para hindi maligaw ang IRR.

 

 

 

 

 

TAGS: Francis Tolentino, Inquirer News, IRR, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website, Francis Tolentino, Inquirer News, IRR, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Senate, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.