Ilang lalawigan sa Central Luzon, uulanin sa susunod na mga oras – PAGASA

Patuloy na makararanas ng pag-ulan sa ang ilang lalawigan sa Central Luzon.

Sa inilabas na rainfall advisory number 3 ng PAGASA alas alas 11:00 ng umaga ngayong Martes, Sept. 15, mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Nueva Ecija at Pampanga.

Ganitong lagay na din ng panahon ang nararanasan sa Bataan at Bulacan.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng flashflood.

Maari ding magdulot ng landslides sa bulubunduking lugar ang mararanasang patuloy na pag-ulan.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA sa susunod na mga oras.

 

 

Read more...