Lockdown sa PNPA pinalawig pa; 232 ang kadete at 11 ang tauhan positibo sa COVID-19

Pinalawig hanggang sa September 30 ang pagpapairal ng lockdown sa Philippine National Police Academy (PNPA).

Ito ay kasunod ng pagsasailalim sa quarantine sa mga kadete at tauhan ng PNPA na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay PNPA director Major Gen. Gilberto Cruz, nagsagawa ng swab test noong Sept. 8 at ang mga nagpositibong kadete ay kailangang sumailalim sa 14 na araw na quarantine.

Muling magsasagawa ng swab test ang PNP para naman sa kanilang mga tauhan.

Sa datos na inilabas ng PNPA noong Lunes (Sept. 14), mayroong 243 na kaso ng COVID-19 sa academy.

Sa nasabing bilang, 232 ang kadete at 11 ang tauhan ng PNPA.

 

 

 

Read more...