Radio commentator patay sa ambush sa Sorsogon

By Jan Escosio September 15, 2020 - 08:45 AM

Agad nasawi ang isang radio commentator sa pananambang ng riding in tandem killers sa Sorsogon City kagabi.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan si Joebert Bercasio, tubong Rapu-Rapu, Albay, ngunit residente ng Bacon District sa lungsod.

Base sa inisyal na impormasyon nangyari ang pagpatay isang oras pa lang ang nakakalipas nang i-post ng biktima sa kanyang Facebook account ang isang quarry operation sa bayan ng Bulan, sa nasabi din lalawigan.

Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at patungo sa Seabreeze Subd., nang mangyari ang pananambang.

Isinalarawan si Bercasio na isang hard-hitting commentator at dati itong announcer sa dzMS-AM bago lumipat sa Balangibog Internet TV kung saan ipinagpatuloy niya ang pagiging komentarista.

Pinag-aaralan na ang lahat ng posibleng motibo sa kaso, kabilang na ang posibilidad na may kinalaman sa trabaho.

 

 

 

TAGS: ambush, Inquirer News, Joebert Bercasio, News in the Philippines, radio commentator, Radyo Inquirer, Sorsogon, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, Inquirer News, Joebert Bercasio, News in the Philippines, radio commentator, Radyo Inquirer, Sorsogon, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.