outbrain

India nakapagtala pa ng mahigit 81,000 bagong kaso ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo September 15, 2020 - 06:33 AM

Umabot na sa mahigit 4.9 million ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag, mahigit 81,900 pa ang naitalang dagdag na kaso ng sakit sa naturang bansa.

Mahigit 3.8 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India, habang mahigit 989,000 pa ang active cases.

May naitala ding dagdag na mahigit 1,000 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay mahigit 80,800 na.

Ang India ay pumapangalawa na sa US na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Pangatlo naman ito sa mga bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasawi.

 

 

TAGS: covid cases, Dona Dominguez-Cargullo, India, covid cases, Dona Dominguez-Cargullo, India

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.