Sa kaniyang pahayag, pinatitignan ng pangulo sa DFA ang mga ulat na mayroon pang mga Pinoy na stranded sa karagatan.
Batay aniya sa mga ulat na kaniyang natanggap ang mga barko ay nasa karagatan at hindi nakadaong at stranded doon ang maraming Filipino crew.
Libo-libo ang mga Filipino seafarers na nagtatrabaho sa mga barko sa ibat ibang panig ng mundo.
Bagaman marami na ang mga Pinoy na nakauwi sa bansa, may mga ulat na marami pa ring mga crew ang nananatili sa kanilang mga barko at hindi nakakababa dahil sa umiiral na travel restrictions ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.