DFA inatasan ni Pangulong Duterte na asistihan ang mga Pinoy Seafarer na stranded sa kanilang barko

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog Breaking news, Tagalog News Website September 15, 2020 - 06:20 AM

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tulungan ang mga Filipino Seafarer na stranded sa kanilang mga barkong pinagtatrabahuhan.

Sa kaniyang pahayag, pinatitignan ng pangulo sa DFA ang mga ulat na mayroon pang mga Pinoy na stranded sa karagatan.

Batay aniya sa mga ulat na kaniyang natanggap ang mga barko ay nasa karagatan at hindi nakadaong at stranded doon ang maraming Filipino crew.

Libo-libo ang mga Filipino seafarers na nagtatrabaho sa mga barko sa ibat ibang panig ng mundo.

Bagaman marami na ang mga Pinoy na nakauwi sa bansa, may mga ulat na marami pa ring mga crew ang nananatili sa kanilang mga barko at hindi nakakababa dahil sa umiiral na travel restrictions ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

 

 

 

TAGS: DFA, Filipino Seafarers, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, DFA, Filipino Seafarers, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.