Cataingan, Masbate niyanig ng magnutude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Masbate.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 21 kilometers southeast ng bayan ng Cataingan, alas-4:41 madaling araw ng Martes (September 15).

May lalim na 5 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.6 na lindol na tumama sa lugar noong August 18.

 

 

 

 

Read more...