27 pang COVID-19 cases, nadagdag sa Central Visayas

Nagkaroon pa ng 27 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang September 14, 19,798 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa 19,798, 1,474 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 100 ang bagong gumaling kung kaya 17,105 na ang COVID-19 recoveries.

Nasa 1,219 naman ang pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...